The SerialReaders

⋘ ──── ∗ ⋅◈⋅ ∗ ──── ⋙

The new and official sanctuary for the Serialreader Family ✧ This is exlusive for Serialreaders only a.k.a readers of Serialsleeper from Wattpad.

━ carrd about the serialreaders group and its rules, the events, and everything else!

━━━━━━━━ ◦ ❖ ◦ ━━━━━━━━

homeserialsleeperaboutevents

Serialsleeper

Serialsleeper is a 1996-born oddball with a penchant for all things horror and rock & roll. Her works range from horror and mystery to angsty teen fictions. Wattpad is her usual hideout, but she's always out there, browsing and going nuts over memes.

━━━━━━━━ ◦ ❖ ◦ ━━━━━━━━

homeserialsleeperaboutevents

About

━━━━━━━━ ◦ ❖ ◦ ━━━━━━━━

Rules & Regulations

━ Read and understand the rules first before entering the group, thank you!

READ WITH COMPREHENSION.
*The Serialreaders Family’s Six Commandments.

I. You shall not SPOIL.
1.1. Ang pag mention ng sino, dahilan, kailan, at papaano namatay ang isang karakter sa kahit anong kwento ni Serialsleeper sa ating Inang Pahina sa pamamagitan ng comment o walang pakundangan at respetong pag kwento sa Group Chats ay hindi maari.
1.2. Ang illegal na pagkalat o walang permisyon na pagkalat ng illegal soft copy ng mga kwento ni Serialsleeper ay hindi maari.
1.3. Ang mga facebook accounts na gumagamit ng pangalan ng kahit sino man sa mga karakter sa kwento ni Serialsleeper upang magpanggap o magkunyare upang makahikayat ng facebook friends o para manloko ay hindi maari.
1.4. Ang illegal na paggawa o walang permisyon na paggawa ng mga facebook pages para maihayag ang kaganapan sa mga kwento ni Serialsleeper ay hindi maari.

II. You shall MAKE FRIENDS.
2.1. Inaanyayahan ang lahat na pansinin at bigyan ng mainit na pagtanggap ang mga YOUNGBLOODS at iparamdam sa kanila ang pamilyang mayroon tayo sa ating Inang Pahina.

III. You shall BE NICE.
3.1 Ang pagsisimula ng away ay hindi maari.
3.2. Ang pagiging troll o ang paggawa ng dummy account para magpanggap at manloko ng kapwa member ay hindi maari.
3.3. Ang paglaban o kawalan ng respeto sa mga myembro ng ating Konseho ay hindi maari. Sana ay respetuhin natin ang isa’t-isa at bigyang proteksyon ang mga nakakabata.
3.4. Ang paglaban o kawalan ng respeto ng mga myembro ng Konseho sa mga myembro ng ating Inang Pahina ay hindi maari. Sana ay respetuhin natin ang isa’t-isa at bigyang proteksyon ang mga nakakabata.

IV. You shall AVOID BLATANT CURSES AND NUDITY.
4.1 Ang pagkalat o share ng malalaswang larawan sa loob ng Inang Pahina, sa comment section man o sa kahit saang group chats ay hindi maari. Sana ay respetuhin natin ang isa’t-isa at bigyang proteksyon ang mga nakakabata.
4.2. Ang walang pakundangan o wala sa lugar na pagmumura (e.g. f/ck, sh/t, tang/na, etc) ay hindi maari. Sana ay respetuhin natin ang isa’t-isa at bigyang proteksyon ang mga nakakabata.
4.3. Ang pang-aasar o ang pambabatos ng kahit sino man na myembro ng ating Inang Pahina sa pamamagitan ng sekswal, verbal o sa kahit anong pamamaraan ay hindi maari. Sana ay respetuhin natin ang isa’t-isa at bigyang proteksyon ang mga nakakabata.

V. You shall remember that FRIDAY IS PROMOTION DAY/NIGHT.
5.1. Tuwing araw ng byernes lahat ng myembro ng ating Inang Pahina ay inaanyayahan nap ag share ng kani-kanilang mga kwento sa Wattpad man o sa kahit anong platform.

VI. You must be a SERIALREADER/ A READER OF SERIALSLEEPER.
6.1 Ang hindi mambabasa o kilala si Seriasleeper ay hindi maaring mapabilang sa ating Inang Pahina.
6.2. Dummy accounts.
6.2.1. Mayroong Korean/ Chinese characters ang pangalan na gamit ng myembro basta ay mukha niya yung DP / Profile pic niya. Mayroong Korean/ Chinese characters ang DP ng myembro basta totoong pangalan ang gamit niya.
6.2.2. Huwag gumawa o isali ang dummy account na ang layunin lang ay lituhin o lokohin ang mga myembro.
6.2.3. If hindi magawa ang naunang alituntunin ay, maari na lamang kayong magpasok ng dummy account niyo basta't ipaalam o e-rehistro sa konseho ito. Iparehistro ito sa ating REGISTRAR.

Tandaan, na ang mga ito ay orihinal na nagmula sa SIX GOLDEN RULES na itinatag ni Serialsleeper at amin lamang na mas inilatag ang mga kalakip o kaugnay nitong gawain upang mas maging malinaw sa bawat isa sa inyo ang ating mga alituntunin.

Ang bawat isa na lalabag sa mga alituntunin ay bibigyan ng warning o makakatanggap ng karampatang parusa na nakadepende sa alituntunin na kanilang nilabag.

Ang mga lumabag sa ating alituntunin ay posibleng makatanggap ng nararapat na oras sa ating detention unit na tinatawag na “PROGRAMA”. Ang mga lalabag ay ipapasok sa programa at tanging ang konseho lang ang makakaalam sa mangyayari sa loob ng programa.

Ang mga paulet-ulet na lalabag sa ating mga alituntunin lalo na ang mga nakatanggap na ng warning, naipasok na sa programa at halos hindi na makontrol ng ating Guidance Counselor o kahit nino man sa konseho at sa Inang Pahina ay maaring bigyan ng suspension o sipain sa ating Inang Pahina at mailagay ang pangalan sa ating Itim na listahan. Ang mga lalabag ay mapagpapasensyahan pero sana ay maalala niyo rin na lahat ng bagay may hangganan kahit ang pasensya ng tao ay nauubos din.

Sana ay respetuhin natin ang isa’t-isa at alalahanin na masyado kayong marami para ma monitor naming lahat kaya naman sana ay maging mas responsable tayo sa ating mga sarili at maging responsible rin na myembro upang maiwasan ang sisihan at away sa loob ng ating Inang Pahina o Pamilya.

MARAMING SALAMAT!

RESPECT IS THE KEY. BE KIND, ALWAYS.

━ Upon entering, answer the security questions, and read announcements as well. Thank you, enjoy, interact, and make friends!

━ Once you're accepted, click here to see a summarized post of the group rules, but please do still read the rules above. Enjoy your stay at The Serialreaders!

━━━━━━━━ ◦ ❖ ◦ ━━━━━━━━

homeserialsleeperaboutevents

Events

━━━━━━━━ ◦ ❖ ◦ ━━━━━━━━

We have a tradition of playing games on major events every year.

Meron tayong tatlong major events:
SRSB - Serialreader Summer Bloodylympics
— played during summer
SBP - Sembreak Party
— played during semestral break
SRWO - Serialreader Winter Olympics
— played during December

Para makasali sa mga palaro ng events, kailan sumali ng camps.
— click "Camps" below for more information!

Anong mangyayari sa events?
GamesMore eventsRace (click "Race" below for more information!)Off-shoulder ni HairaMOSR Gives back
See hashtags #SRSB #SBP #SRWO in the group to see what we do! Include a year too (e.g. #SRSB2020)

See Other Posts:
How to Join a Camp (Main post where I got this text)
A Youngblood's Guide in Choosing a Camp
League (Check out the whole guide!)

━━━━━━━━ ◦ ❖ ◦ ━━━━━━━━

homeserialsleeperaboutevents

Camps

Ngayon ang lalaruin natin ang SRSB. Para makasali sa SRSB, kailan sumali ng camps.

Ano ang camps?
— Camps ang official GC ng The Serialreaders Group. Ang events like SRSB ay exclusive lamang sa camp members.

Paano sumali sa camps?
— May recruitment na magaganap bago ang bawat event.
— Magpo-post ang mga camp members tungkol sa recruitment nila at i-follow mo lang iyon.
— Isang camp lang ang pwedeng salihan. In the event na nasa isang camp ka na at umalis ka para lumipat, hindi iyon pwede, hindi mangyayari at hindi ka na kasali sa SRSB. Balik ka na lang sa semestral break sa October.
—May form ka na sasagutan at may initiation din ang camps sa new members nila accordingly.
— Makipaghalubilo ka, ginusto mo 'to HAHAHAHA. Maraming gustong sumali pero napasama ka sa mga official members na kaya 'wag mong sayangin ang opportunity mo.
— Participate in games, coordinate with your co-members.

Things to remember kapag nasa camp na, camp rules etc.
— BAWAL ang lumipat ng camp.
— Pwede ang VOLUNTARY exit as long as you have a valid reason, kapag ganito, pwede kang ibalik anytime sa camp. E.g. midterms n'yo this week so balik ka na lang next week. PERO kapag kaka-add mo lang tapos aalis ka agad, wala na di ka na ibabalik.
— Ang mga umalis nang walang paalam ay hindi na ibabalik sa GC. We don't tolerate ghosting dito.
— Ang mga camp members na na-remove dahil inactive ay pwedeng bumalik after a YEAR. Halimbawa SRSB ka natanggal, next year SRSB ka pa pwede sumali PERO sa same camp ka lang babalik.

More eklavu
— Camp leaders/representatives have the authority to remove members as long as they have justifiable reasons.
— Members who violate rules, ekis ka agad at babye SR Fam ka na.

—————

Camp List
no, hindi po kailangan maalam kayo sa pipiliin niyong camp, names lang po ito at hindi directly related sa stories na pinanggalingan nila
— Cosima Sanctuary
— Crestview High
— Crimson Lake
— Eastridge City
— Filimon Heights
— Garrison University
— Jefferson High
— Jeongsin Academy
— Katalin Island
— Provident High
— Redwood City
— Rosepike University
— Torryn Grove High
— Westspring City
— Wilkinson City

Race

— Race ang usual main event/game sa SRSB/SBP/SRWO, para hindi na magtanong-tanong sa mga ka-camp ano nangyayari, pakibasa nito.

— Magpopost yong isa sa MOSR na start na ang race. Sa post nila, kasama 'yong mga ripper na available (sila yong mga pwedeng i-pm na mga magbibigay ng dare) tsaka clue kung sinong unang hahanapin at ippm. Isa lang ang mag-ppm kada camp.

— Depende kung paano nila ibibigay iyong clue. Dati nagpahanap sila sa comment section sa wattpad, meron puns (kunwari airplane = erlaine), tapos meron din na sa mga post ng mga ripper babase kung sila ba 'yong pinapahanap.

— 'Pag napm na, magbibigay sila ng dare/task na need gawin. Ubusan ng dignidad 'to <3 Paunahan kada camp. Kaya nga race, kasi paunahan makaabot sa dulo.

— 'Wag sana kayo pabigat sa camp at seener lang, kung alam niyong makakatulong kayo, why not, 'di ba?